NSO hindi raw napahiya kay Erap

Release Date: 

Friday, June 30, 2000

Naglinaw kahapon ang National Statistics Office (NSO) kaugnay ng kanilang Civil Registry IT Project na iprinisinta kay Pangulong Joseph Estrada kamakailan.

Walang umanong nangyaring kapalpakan sa demonstrasyong pinangunahan ni NSO Chief Administrator Tomas Africa.

Magugunitang napaulat na napahiya si Africa nang sa halip na ang kapanangakan ni Pangulong Joseph Estrada na Abril 19, 1937 and nakasaad na lumabas na birth certificate ay naging Abril 19, 1947 ito.

Sa ilalim ng IT Project ng NSO, sa halip na tatlong araw bago makuha ang birth certificate ay magiging kalahating oras na lamang.

Sa demonstrasyon, ipinakita ng NSO ang kanilang makabagong proseso sa pamamagitan ng pag-iisyu ng birth certificate ni Pangulong Estrada.

Sa naturang demonstrasyon, nagbiro umano si Estrada na dapat ay 1947 and taon ng kanyang kapanangakan kaya nagtawanan ang mga nakasaksi.

"There was no bug in the system demonstration. There is no way that an entry can be tampered in the original document by the system and there is no intention to be able to do so," ani Africa.

Source: Abante Tonite

 

 

Tags: